13 October 2005

sounds.....goodaahhhh...

tapos na naman ang isang araw sa pakikipagbuno sa mga lahing puti at ibang ligaya ang aking nadarama sa tuwing sasapit ang ganitong oras(3pm..hehehe).marahil talagang mapagbigay ang mga taong kumokontrol sa mga tawag na dumarating sa amin dahil siguro sa kadahilanang alam nila na pagod na kami sa pakikaipag-usap gamit ang wikang dayuhan at dahil malamang alam na rin nila na tuyong-tuyo na ang aming mga lalamunan sa kakadaldal at pakikisalamuha sa mga walang kwentang tao.kung akala niyo na mga mang-aawit lang ang nagkakaroon ng "nodes"(di ko kasi maisalin sa wikang atin ang salitang ito)dahil sa napwepwersa ang kanilang mga lalamunan sa pagbirit sa pagkanta, nagkakamali kayo.gasgas na rin ang lalamunan ng karamihan(kabilang na ang inyong lingkod).pero dahil kailangang kumita kailangang magtiis dahil ito'y para sa bayan...wala lang nabubuwang lang ako kaya ganito...pasensya na po sa mga babasa s posteng ito(hehehehe...)dahil gusto ko lang magkaroon ng maisusulat at mailalathala sa blogs ko...

No comments: